Best 42 Tagalog Quotes About Life To Inspire You

Best 42 Tagalog Quotes About Life To Inspire You

Naghahanap ka ba ng mga tagalog quotes about life kung saan makaka-relate ka at may matututunan kang aral? Inilista namin ang mga pinaka-importanteng tagalog quotes na siguradong magugustuhan mo. Para na rin mas mapadali ang paghanap at pagbasa mo ay sinamahan na rin namin ang tagalog quotes about life with explanation or ilang mensahe para mas madama ang kahulugan ng mga ito.

Inspirational Tagalog Quotes About Life

1. Kung ayaw mo sa direksyon na pinapatunguhan ng buhay mo, gumawa ka ng ibang daan patungo sa direksyon na nais mo.

Ikaw ang may hawak sa buhay mo. Walang ibang pwedeng makapag-bago ng buhay mo kung hindi ikaw kaya kung hindi ka masaya sa mga nangyayari ay dapat mag-isip ka kung paano ito mababago para makamit mo yung mga gusto mong mangyari.

best inspirational tagalog quotes about life

2. Ang pinaka-magandang mga bagay at tanawin sa mundo ay hindi nakikita o nahahawakan. Ito ay ating nararamdaman.

Hindi lahat ay nadadaanan sa materyal na mga bagay o kung gaano man kamahal ang mga ito. Mas importante kung ito ay may halaa para sayo. Dahil ano ang silbi ng mamahalin na bagay kung balewala lang pala ito.

best inspirational tagalog quotes about life

3. Ang buhay ay binubuo ng maliliit na hakbang patungo sa ating mga pangarap.

Hindi mo kailangang humakbang o gumawa agad ng napakalaki para lang makamit ang mga pangarap mo. Kung hindi ka pa handa ay sapat nang unti-untiin mo ang iyong kilos at paghakbang. Pag pinagpatuloy mo ito, hindi mo mararamdaman na nakararami ka na pala ng hakbang at pangarap mo ay abot tanaw na.

best inspirational tagalog quotes about life

4. Mahalin mo muna ang sarili mo at pag nagawa mo ito ay magiging malinaw na sayo ang lahat.

Minsan masyado kang naka-focus sa ibang tao o ibang bagay sa paligid na nakakalimutan mo na pagtuunan ng pansin ang sarili mo. Pero ang katotohanan ay mas madali kang makakapag-bigay ng tulong at pagmamahal sa ibang tao kapag alam mo din kung ano ang pakiramdam nito. Dahil paano mo nga ba ine-expect na mahalin ka ng iba kung hindi mo man lang kayang mahalin ang sarili mo?

best inspirational tagalog quotes about life

5. Ang mga bagay na madaling makuha ay hindi nagtatagal at ang mga bagay na nagtatagal ay hindi madaling makuha.

Ang sarap sa pakiramdaman kapag pinaghirapan mo ang isang bagay. Mas lalo mo itong mamahalin dahil alam mo ang kahalagahan nito. Ang mga bagay naman na hindi mo pinaghirapan ay mas madalas mong balewalain dahil wala kang ginawa para makamit ang mga ito.

best inspirational tagalog quotes about life

6. Walang taong katulad mo. Gamitin mo ito bilang sandata mo sa agos ng buhay.

Nag-iisa ka lamang sa mundo at wala na ulit magiging katulad mo pa kaya gamitin mo ang pagiging unique mo. Mayroong mga bagay na mahina ka pero siguradong mayroon din na magaling ka. Hindi pareho ang mga tao, kahit pa ang mga kambal. Gamitin mo ang kakayahan mo at ang kagalingan mo upang makamit ang mga pangarap mo sa buhay.

best inspirational tagalog quotes about life

7. Ang pinaka-malaking paglalakbay sa buhay mo ay ang paglalakbay na maisakatuparan mo ang buhay na inaasam mo.

Lahat ng tao ay naghahangad na matupad ang mga pangarap nila kaya maghanda ka sa lakad ng buhay. Huwag kang susuko agad at labanan mo ang mga hamon na ibabato sayo.

best inspirational tagalog quotes about life

8. Isa sa mga pinaka-importante ang tanong na “Ano ang ginagawa mo para sa kapwa mo?”

Napatigil ka ba sa tanong na ito? Oo, baka nasayo na ang lahat pero tumutulong ka ba sa kapwa mo? Sa mga mas nangangailangan?

best inspirational tagalog quotes about life

9. Nagkamali ako nang paulit ulit sa buhay at ito ang dahilan kung bakit ako nagtagumpay.

Huwag mong ikahiya ang mga pagkakamali mo dahil dito ka matututo at magiging mas malakas na tao.

best inspirational tagalog quotes about life

10. Walang ano man ang makapagpapadilim sa ilaw na nanggagaling sa kaibuturan ng puso mo.

Ang tunay na lakas at pagkatao mo ay nanggagaling sa loob mo. Ito ang nais na iparating ng inspirational tagalog quotes about life na ito. Sayo lang ito at hindi ito kayang sirain kailan man ng kahit na sino o kahit na ano.

best inspirational tagalog quotes about life

11. Hindi mahalaga kung ano ang meron tayo sa buhay. Ang mahalaga ay kung SINO ang meron tayo sa buhay.

Maituturing mong swerte ka na kung may mga taong nagmamahal at nagaalala sayo. Ano nga ba ang silbi ng materyal na yaman kung wala ka namang babahagian nito?

inspirational tagalog quotes about life

12. Minsan hindi mo malalaman agad ang kahalagahan ng isang pangyayari hanggang maging alaala na lamang ito.

Madalas kasi akala mo ay hindi na magtatapos ang isang bagay kaya hindi mo ito nabibigyan ng tamang pagpapahalaga pero maikli lamang ang buhay ng tao kaya dapat ay pahalagahan mo ang bawat sandali na mayroon ka.

inspirational tagalog quotes about life

13. Ang pagtahak sa mahirap na daan ay karaniwang nagbubunga rin ng magagandang tanawin.

Kapag naghirap ka sa isang bagay, asahan mo na aani ka rin ng bunga sa mga paghihirap mo.

inspirational tagalog quotes about life

14. Ikaw lamang ang makakapag-bago sa buhay mo. Walang ibang makakagawa nito para sayo kung hindi ang sarili mo.

Kahit ano pa ang gustuhin mo, kung hindi mo naman sisimulan ay wala rin itong silbi dahil ikaw lamang ang may hawak ng buhay mo.

inspirational tagalog quotes about life

15. Hindi mo na pwedeng ibalik ang panahon at baguhin ang umpisa ng kwento pero pwede ka namang magsimula sa kung nasaan ka ngayon at baguhin ang katapusan nito.

Kung nararamdaman mo na malas ka sa buhay, tandaan mo na hindi mo kailangang baguhin ang lahat. Kung magsusumikap ka at iaayon ang mga kilos mo sa kasalukuyang panahon ay sapat na para mabago ang kapalaran mo.

inspirational tagalog quotes about life

16. Ang mga maliliit na hakbang patungo sa tamang daan ay kadalasang nauuwi sa pagiging pinaka-malaking hakbang ng buhay.

Huwag mong balewalain ang mga maliliit na bagay dahil kapag ang mga ito ay naipon katumbas na rin sila ng isang malaking hakbang patungo sa gusto mong landas. Ayon sa tagalog quotes about life na ito ay hindi mo kailangan makuha agad ang resulta dahil kapag kumikilos ka patungo sa pangarap mo kahit pa maliit na hakbang lang, unti unti makakarating ka rin sa paroroonan mo.

inspirational tagalog quotes about life

17. Ang pagkatalo ay bahagi ng buhay. Kung hindi ka matatalo hindi ka matututo. Kung hindi ka matututo hindi ka rin magbabago.

Hindi sa lahat ng oras ay mananalo ka. Maging magpakumbaba at akuin ang pagkatalo. Matuto kung bakit ka natalo at pag butihan mong muli.

inspirational tagalog quotes about life

18. Hindi perpekto ang buhay ko pero meron akong panginoon na nagpapakuntento kung anong meron ako.

Ang tagalog quotes about life Basta nandiyan ang Diyos sa tabi mo, ginagabayan ka, at hindi ka pinapabayaan – hindi ka nag-iisa. May kakampi ka.

inspirational tagalog quotes about life

19. Nabubuhay tayo hindi para bumitaw at bumigay kundi para lumaban at matuto.

Lakasan mo ang loob mo para sa hamon ng buhay at mundo. Ipaglaban mo kung ano ang gusto mo at palawakin ang mga kaalaman mo.

inspirational tagalog quotes about life

20. Parang pagbibisikleta ang buhay, kailangan nating magpatuloy para hindi mawalan ng balanse.

Okay lang na huminto saglit pero bumangon ka ulit para sa mga pangarap mo.

inspirational tagalog quotes about life

21. Ang buhay ay hindi para sa paghahanap sa sarili natin. Ito ay para sa pagbuo ng sarili natin.

Hindi mo na kailangan hanapin ang sarili mo. Punuan mo lang ang mga kulang na parte sa pagkatao mo.

inspirational tagalog quotes about life

22. Nalaman ko na kapag mahal natin ang buhay natin, ay mamahalin rin tayo nito pabalik.

Kapag maganda ang pananaw mo sa buhay ay magiging maganda rin ang mga biyaya mo.

inspirational tagalog quotes about life

23. Ang mabuhay nang tunay ay isa sa pinaka-mahirap gawin sapagkat karamihan ng tao ay nananatili lamang sa kung saan sila komportable at sanay.

Minsan kailangan mo gumawa ng mga bagay na karaniwan hindi mo ginagawa para makamit ang gusto mo. Hindi mo mararanasan ang paglago ng iyong pagkatao kung paulit ulit lamang ang gagawin mo.

inspirational tagalog quotes about life

24. Ang dalawang pinaka-importanteng araw sa buhay mo ay ang araw na ipinanganak ka at ang araw na malalaman mo kung bakit.

Parang isang palaisipan na nabuo ang iyong pakiramdam kapag nangyari na ito sayo.

inspirational tagalog quotes about life

25. Hindi nasusukat ang buhay sa kung gaano ito kahaba. Ito ay nasusukat sa kung gaano ito naging kalalim.

Maaaring maging mahaba ang buhay mo ngunit balewala ito kung wala naman itong naging kabuluhan or kung hindi mo maipagmamalaki.

inspirational tagalog quotes about life

26. Bilog ang mundo kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan sa ayaw at sa gusto mo.

Tandaan natin na hindi nagtatapos ang lahat dahil lang sa mga problema natin. Oo, mahirap sa umpisa, lalo na kung hindi mo alam kung ano o pano solusyunan ito, pero huwag tayong sumuko. Malalampasan at malalampasan rin natin ang lahat ng mga pagsubok sa buhay at babalik sa normal ang lahat.

inspirational tagalog quotes about life

27. Gawin mo ang lahat sa abot ng makakaya mo at mararamdaman mo ang tulong ng Diyos.

Maging panatag ka sa mga abilidad mo. Walang problemang ibibigay sayo ang Diyos na hindi mo kayang lagpasan. Basta alam mo na ginawa mo ang lahat ay hindi ka na dapat manghinayang o mamroblema. Hindi ka papabayaan ng Diyos at tutulungan ka niya.

inspirational tagalog quotes about life

28. Pag may problema, iiyak mo lang tapos tama na. Punas luha. Ayos damit. Suklay buhok. Tapos SMILE. Tuloy ang ikot ng mundo.

Walang masama sa pag-iyak. Lahat ng tao nasasaktan. Kahit ba parang maliit na bagay lang pero kung mahalaga ito sayo at nasaktan ka, huwag ka mahiya na ilabas ang sama ng loob mo at sakit ng damdamin mo. Mag pahinga ka muna. Mag-isip-isip at pagkatapos ay bumangon ka ulit para harapin ang mundo.

inspirational tagalog quotes about life

29. Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao. Mababa man ang pinag-aralan mo kung marunong kang RUMESPETO, daig mo pa ang EDUKADO.

Hindi masusukat ang buong pagkatao sa antas ng kanyang natapos. Sa ugali natin tunay na makikita at malalaman ito. Ano pa nga ba ang silbi ng pag-aaral kung wala ka namang magandang asal o modo sa kapwa mo? Mas hamak na nakaka-angat ang may matabang puso.

inspirational tagalog quotes about life

30. Wag mo hahayaang sumasabay ka lang sa agos ng dagat, minsan, dapat ikaw mismo ang kokontrol ng direksyon nito.

Maging matapang ka at bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na sundin ang nais nito.

inspirational tagalog quotes about life

31. Huwag kang manghinayang kung ngayon ay nabigo ka. Tandaan mo, mas magandang nabigo ka dahil sinubukan mo kesa sa nabigo ka nang di mo pa sinusubukan.

Marami pang pagkakataon para bumawi ulit. Huwag kang panghinaan ng loob na sumubok muli.

inspirational tagalog quotes about life

Short Tagalog Quotes About Life

Punta naman tayo sa mga short tagalog quotes about life. Dahil minsan mas madaling iparating ang nais sabihin gamit ang maiiksi salita lamang. Short but to the point, ika nga nila.

32. Nasayo na ang lahat, pero, masaya ka ba?

Ano nga ba ang silbi ng karangyaan kung hindi ka naman masaya sa buhay mo? May pagkakataon pa. Baguhin mo ang mga maling nakagawian at itama ang mga mali sa buhay habang hindi pa huli ang lahat.

short tagalog quotes about life

33. Balang araw o ika-unang araw? Mamili ka.

Ngayong segundo ay maaari nang magbago ang buhay mo. Pwede kang maghintay o pwede ka nang kumilos ngayon. Tandaan na hindi na naibabalik ang mga oras na nakalipas kaya pahalagahan mo ang bawat minuto.

short tagalog quotes about life

34. Yakapin mo nang buong buo ang tunay na pagkatao mo.

Ang short tagalog quotes about life na ito ay nagsasabi na “iyan ka eh”. Huwag mong ikahiya kung sino ka. Ipakita mo sakanila ang mga katangian mo. Magtiwala ka sa mga kakayahan mo.

short tagalog quotes about life

35. Ang mga taong hindi naniniwala sa himala ay hindi rin nito makakakita.

May mga bagay na kailangan nang ating paniniwala. Kung hindi ka naman naniniwala sa isang bagay, mahirap ipilit ito na paniwalaan mo.

short tagalog quotes about life

36. Hindi lahat ng araw ay maganda pero mayroong ganda sa bawat araw.

Siguro hindi talaga good day ang araw mo pero kung iisipin mong mabuti mayroon at mayroon pa ring dahilan para ngumiti at ipagpasalamat kahit na sa mga araw na tila minamalas ka.

short tagalog quotes about life

37. Kung ang lahat ay perpekto, hindi ka na matututo, at hindi ka sisibol.

Walang challenge kung lahat nalang ng bagay ay masusunod sa gusto mo. Paano ka nga naman matututo nito sa mga bagay na tila pagkakamali lamang ang paraan upang matuto ka?

short tagalog quotes about life

38. Ang pinakamainam na sandalan sa buhay ay ang isa’t isa.

Walang nabubuhay na taong mag-isa. Kailangan mo ng taong mapagkakatiwalaan at masasandalan sa mga oras na hindi mo na kaya ang lahat.

short tagalog quotes about life

39. Hindi masusukat sa materyal na bagay ang kaligayahan ng isang tao.

Hindi batayan ang dami ng yaman upang masabing masaya ang isang tao. Hindi ba kadalasan nga ay mas marami pa silang problema dahil sa sobrang yaman nila ay hindi na nila pinapahalagahaan ang mga bagay at tao sa paligid nila?

short tagalog quotes about life

40. Ngayon ang pinaka-magandang panahon at oras para magsimula kang muli.

Kung gusto mong baguhin ang buhay mo, ito na ang panahon para gawin yon. Huwag mo nang ipagpaliban pa.

short tagalog quotes about life

41. Kapag namuno ka, gamitan mo rin ng puso at hindi lang ng puro utak.

Mahirap malaman ang nararamdaman ng mga taong sumusunod lamang kaya sana ay huwag abusuhin ang kapangyarihan. Tandaan mo na minsan ka din naging taga-sunod bago naging leader.

short tagalog quotes about life

42. Kung saang lugar ka man itinanim ng tadhana ay mamunga ka ng husto.

Huwag mong sayangin ang pagkakataon mo sa buhay. Iisa lamang ito. Gawin mo na ang lahat ng gusto at gawin mo ito ng maayos na hindi ka magsisisi.

short tagalog quotes about life

Salamat sa pagbasa sa mga paborito naming tagalog quotes about life. Sana ay may natutunan kayo rito at kung nagustuhan niyo ay paki-share sa mga kaibigan at kapamilya niyo.

About the Author: Elle Cajayon

Elle Cajayon is a blogger who resides in a peaceful island in the Philippines. She loves reading books, spending time with her lovable dogs, and immersing herself in interesting facts and trivia's.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *