Sa isang fb post ng isang netizen na si Jane F’ mous, nakakamangha ang ginawang pag-iipon ng anak ng kanyang kaibigan.
Ayon sa post nito, napuno ang isang tub ng tig 20 pesos mula sa ipinapadalang allowance ng kaibigan niya at mama nitong si Gemma.
Kwento nito, nang umuwi daw kasi si Gemma na nanay nito, mula sa ibang bansa ay labis ang kaniyang pagkatuwa nang bumugad sa kaniya ang mga naipon ng kanyang anak na si Gerdan.
Dati raw ay 2 tub na puro barya ang naipon ng kanyang anak. At ngayon naman ay isang tub na purong tig 20 pesos ang laman ng tub. Dagdag pa nila, bilib daw sila kay Gerdan dahil sa murang edad ay marunong na itong magpahalaga at magimpok ng pera para sa paghahanda sa hinaharap.
Samantala, napapa-sana all naman ang netizen sa ginawa ng batang si Gerdan. Sana maging bukas din ang isipan ng iba pang kabataan gaya ni Gerdan. Lalo na sa panahon ngayon na marami ang nawalan ng trabaho, kaya kapag may naipon ay tiyak napakalaking tulong nito sa buhay ng bawat tao.
Ayon pa kay Jane, sobra syang namangha sa anak ng kaibigan. Ganun din si Gemma, gulat at labis na tuwa ang nadama nila pareho dahil sa pagiging matipid at responsable ni Gerdan. Ika nila, hindi raw madali ang pag-iipon lalo na kapag bata pa.Kadalasan kasi ay agad-agad nagsho-shopping o bumibili ng gadget, kaya’t hinikayat ni Gerdan ang kapwa kabataan na magimpok o magipon para may madudukot kapag kinakailangan.